Pagdinig ng Kamara ukol sa aberya sa NAIA, itutuloy ngayong araw

Alas-10:00 ngayong umaga ay muling ipagpapatuloy ng House Committee on Transportation ang pagdinig ukol sa nangyaring aberya sa air traffic system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong January 1.

Sa impormasyong inilabas ng tanggapan ni Antipolo Rep. Romeo Acop na syang chairman ng Komite, ay imbitado muli sa pagdinig ang mga opisyal mula Department of Transportation, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Manila International Airport Authority at NAIA.

Pinapaharap din sa briefing ang mga opsiyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT).


Ang DICT kasi ang nagsasagawa ng forensic investigation sa nasirang circuit breaker na umano’y dahilan ng pagpalya ng air traffic management system ng NAIA.

Facebook Comments