Pagdinig ng Senado sa akusasyon ng anomalya sa PhilHealth, sisimulan na sa Biyernes (July 31)

Posibleng Biyernes o sa susunod na linggo na umarangkada ang pagdinig ng Senado sa nagsulputang akusasyon ng anomalya sa PhilHealth.

Ito ay matapos maghain ng resolusyon sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo Lacson para buuin ang Committee of the Whole ng Senado na siyang bubusisi sa isyu sa PhilHealth.

Aalamin din ng mga senador kung may naging aksyon na ang PhilHealth sa mga nauna nang reklamo sa kanila.


Matatandaang muling naungkat ang mga isyu sa PhilHealth matapos magbitiw sa pwesto si Anti-Fraud Legal Officer Thorrsson Montes Keith, dahil sa umano’y malawak na korupsyon sa loob ng kagawaran.

Facebook Comments