Paggamit ng One Health Pass, uumpisahan na sa Setyembre

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng OneHealthPass ng Bureau of Quarantine at ng Department of Transportation (DOTr).

Ang OneHealthPass ay isang online platform na layuning mapabilis o mapadali ang movement ng international travelers mula sa country-of-origin o bansang pinagmulan hanggang sa pupuntahan nitong bansa.

Ayon sa IATF, magsisimulang gamitin ang OneHealthPass sa September 1, 2021 hanggang matapos ang state of national public health emergency.


Samantala, inaprubahan din ng IATF ang hirit ng Philippine Racing Commission para sa muling operasyon ng Off-Track Betting (OTB) stations sa Metro Manila habang nasa ilalim ang National Capital Region (NCR) sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) base na rin sa approval ng concerned Local Government Unit (LGU).

Tanging pagbebenta lamang ng tickets ang pinapayagan ng IATF sa pagbabalik operasyon ng OTB at dapat nakatatalima ito sa public health protocols.

Facebook Comments