Paggawa ng Herbal Supplements para sa Immune Booster, Aprubado na ng DOST Region 2

Cauayan City, Isabela-Aprubado na ng Department of Science and Technology Region 2 (DOST-R02) ang mahigit sa P600,000 para sa implemantasyon ng “Herbs Against COVID: Developing Techno-based Herbal Supplements as Immune Booster.” ng Isabela State University-Echague Campus.

Batay sa facebook post, sinabi ni Project Leader at Dean of the College of Agriculture Dr. Artemio A. Martin Jr. na pinayagan na ang unibersidad sa pagbuo ng production at protocols para sa kung gaano epektibo ang malunggay at turmeric bilang herbal supplements.

Target ng nasabing proyekto ang mga magsasaka sa rehiyon kung saan nagbibigay sila ng mga tissue-cultured seedlings para sa gagawing pag-aaral gayundin ang mga estudyante ng kursong agrikultura na kanilang training ground sa ilang paraan sa bisa gamit ang nasabing herbal plants.


Umaasa naman si Dr. Martin na tataas ang potensyal ng ekonomiya gamit ang malunggay at turmeric production bilang alternatibo o dagdag kita para sa mga magsasaka.

Ang R&D project ay nasa ilalim ng One Health Product Development Center of Echague Campus with Bauertek Corporation and DOST-R02 bilang katuwang na ahensya.

Facebook Comments