Marawi City – Inaalam na ng Armed Forces of the Philippines ang report kaugnay sa umanoy shabu laboratory sa loob ng conflict zone sa Marawi City.
Ayon kay Brig. Gen. Ramiro Rey, commander ng Joint Task Force Ranao – kasunod na rin ito ng report ng mga residente na mayroong shabu lab na ino-operate ng Maute Group sa lugar.
Tinutukoy na rin aniya ng AFP ang posibilidad na koneksyon ng mga narcopolitician at teroristang grupo.
Nitong Linggo, narekober ng AFP ang aabot sa 11 kilo ng shabu na may market value na P110 million hanggang P250 million sa conflict zone sa Marawi.
Ito na ang pinakamalaking value ng shabu na nakumpirka ng militar mula sa teroristang Maute.
Facebook Comments