Tuesday, March 3, 2026

PAGHAHATID NG MGA SERBISYONG PAMPAMAHALAAN SA ALAMINOS CITY, PINABILIS SA PAGLULUNSAD NG ELGU SYSTEM

Pinabilis ang paghahatid ng mga serbisyong pampamahalaan sa Alaminos City matapos ang paglulunsad ng Electronic Local Government Unit o eLGU System.

Sa pamamagitan ng naturang sistema, maaari nang ma-access online ng mga residente at kliyente ng lungsod ang mahahalagang lokal na serbisyo.

Kabilang dito ang pag-a-apply ng business, building at working permits; pagkuha ng community tax certificate at civil registry documents; at pagproseso ng barangay business clearances sa iisang online platform.

Ang eLGU System ay binuo ng Department of Information and Communications Technology sa ilalim ng eGov PH Super App at layong mapabilis at mapadali ang transaksyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng digital na pamamaraan.

Isinagawa ang paglulunsad ng eLGU Alaminos City sa City Conference Hall kasama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at ng DICT.

Layunin ng inisyatibong ito na maisulong ang digital transformation sa lokal na antas at gawing mas episyente ang paghahatid ng serbisyo sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments