Pansamantalang inihinto ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang paghahatid at pagtanggap ng koreo o mail sa mga bayan sa Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHLPost, suspendido ang kanilang operasyon sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Lemery, San Nicolas, Taal, Talisay, at iba pa na sakop ng danger zone.
Anila, ang kanselasyon ng flights nitong nakaraang araw dulot ng bulkan at pagsuspinde ng pasok sa kanilang main hub sa Central Mail Exchange Center sa Pasay ay nakaapekto sa international at provincial dispatches.
Tiniyak ng PHLPost na patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon at i-aanunsyo kung kailan itutuloy ang operasyon.
Facebook Comments