Pagkabangkarote ng PhilHealth sa susunod na taon, hindi mangyayari ayon sa Palasyo

124

Tiniyak ng Malacanang na hindi mauuwi sa pagkabangkarote ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa gitna ng nararanasang pandemya at alingasngas ng korapsyon sa ahensiya.


Ang garantiya ay ginawa ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nagsabing hindi papayag ang Ehekutibo na mauwi sa bankrupt ang health insurance ng taong bayan.

Saka- sakali man aniyang hindi maging sapat ang pondo ng ahensiya, gobyerno ang  magdadagdag ng budget sa PhilHealth na huhugutin sa kaban ng taumbayan.

Kahit ano aniya ang mangyari sabi ni Roque ay hindi mauuwi sa gayung senaryo ang PhilHealth.

Facebook Comments