Pagkakaalis ng Pilipinas sa grey list ng FATF, malaking tulong sa ekonomiya ng bansa – Malacañang

Malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa at ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang pagkakaalis ng Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force o FATF.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang hakbang na ito ay makahihikayat ng mas maraming foreign investors, at lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Matagal na panahon na aniyang naapektuhan ang pagpasok ng mga foreign investor dahil sa imahe ng Pilipinas na “dirty money haven.”

Dagdag pa ni Bersamin, makikinabang din ang OFWs dahil mas magiging mabilis at mas mura na ang kanilang pagpapadala ng pera sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng Palasyo na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsunod sa mga pandaigdigang regulasyon upang mapanatili ang naturang tagumpay.

Malaking tulong din aniya ang mga reporma ng administrasyong Marcos para labanan ang money laundering at terrorism financier sa bansa.

Facebook Comments