PAGKAHULI SA 3 BABAENG KUMANDER, KAWALAN SA CPP-NPA!

????????????????????????????????????

*Cauayan City, Isabela* – Malaking pilay sa hanay ng CPP-NPA ang pagkakahuli sa tatlong babaeng kumander nito.

Ayon kay Gen. Laurence Mina, Commanding General ng 502nd brigade, malaking kawalan sa hanay ng grupong komunista ang pagka aresto sa tatlo. Ginawang batayan ni General Mina ang pagkakahuli Violeta Ricardo na kilala sa mga alyas na ISSA at MARISSA, na pinuno ng Regional Finance ng Komiteng Rehiyon ng lambak ng Cagayan.

Ayon pa sa heneral, kahit saang organisasayon na wala ang finance officer ay mapipilayan ito.


Duda na ang Commanding General ng 502nd Brigade kung makaka-rekober ang ang NPA sa Rehiyon Dos dahil sa sabay sabay ng pagkakahuli ng tatlong lider ng grupo na pawang may hawak na kritikal na posisyon.

Matatandaan na nahuli ang tatlong babaeng kumander na sina Cristina Miguel Garcia alyas Senyang, Delilah PADILLA na mas kilala sa mga pangalang DOMAY, SAGANAY, TINAY at DUMANAY at Violeta Ricardo na kilala sa mga alyas na ISSA at MARISSA.

Naniniwala pa si General Mina na sa tulong ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ay tuluyan nang malulutas ang problema sa insurhensiya sa lambak ng Cagayan.

Umaasa ang kasundaluhan na ang pagkakahuli sa tatlong hardcore lider ay magreresulta sa pagsurender ng iba pang kasapi ng CPP NPA.

Samantala, pinasalamatan ni General Mina ang mga nauna nang nagsurender.

Kasabay ito ng muling panawagan ng AFP sa pagsuko ng mga aktibong kumikilos bilang pulang mandirigma.

Tiniyak ng Commanding General na ibibigay nila ang mga ipinangakong benipisyong makukuha ng mga boluntaryong sumuko.

Facebook Comments