
Isinulong ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na pagkalooban ng pamahalaan sa pamamagitan ng pangulo ng clemency si Mary Jane Veloso na 15-taon ng nakapiit.
Nakapaloob ito sa House Resolution 583 na inihain nina Representatives Sarah Jane Elago ng Gabriela Womens Party-list, Renee Co ng Kabataan Party-list at Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list.
Diin ng nabanggit na mga kongresista, malinaw na biktima lang ng trafficking si Veloso at patuloy na ipagkakait sa kaniya ang hustisya kung mananatili sya sa bilangguan.
Paliwanag ni Elago, ang pagbibigay ng clemency ay hindi pagbalewala sa batas kund isang makataong hakbang na malinaw na kinikilala ng ating Saligang Batas at nasa ilalim ng kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos para ipatupad.
Si Veloso ay nanantiling nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong simula noong 2024 matapos itong makulong sa indonesia dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.










