*Cauayan City, Isabela*- Patuloy ang masusing pag aaral ng mga Foreign Expert sa gagawing North Eastern Luzon Expressway o NELEX na magdudugtong sa Tarlac-Baler-Quirino-Cordon-SantiagoCity at Tarlac-San Jose-Nueva Vizcaya-Cordon.
Kasabay ito ng ginawang pagpupulong ng Regional Development Council dito sa Lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Director Dionisio Ledres Jr., ng NEDA-R02, mapapadali na ang transportasyon ng mga tao kung sakaling maumpisahan ang konstruksyon dito.
Aniya, sakaling mangyari ang kontruksyon ay mababawasan ang oras ng biyahe patungo sa kamaynilaan.Batay sa pagtaya ng mga eksperto, maaaring aabot sa 4 na oras nalang mula sa dating 8 oras na biyahe.
Ito ay bahagi pa rin ng Build Build Build Program ng Administrasyong Duterte.
Sa ngayon ay nagtutulong tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maisaktuparan sa lalong madaling panahon ang nasabing proyekto.