Iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat magkaroon ng panibagong protocols para sa mga pasyenteng nakarekober na sa COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Zubiri na nagkakaroon talaga ng pagkakataon na nade-detect sa mga COVID-19 test ang virus na namatay na at naiwan sa katawan ng nakarekober na pasyente.
Giit ni Zubiri, hindi na nakakahawa ang mga pasyenteng gumaling na at dapat ay magkaroon ng sariling protocols ang mga ito sakaling kailanganin na isailalim silang muli sa mga COVID-19 test.
Matatandaang nitong buwan ng Marso nang tamaan ng COVID-19 si Zubiri at lumabas ulit itong positibo noong Lunes bago dumalo sana sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments