Pagkakasibak kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan pinagtibay ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals ang pagkakasibak sa pwesto kay dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan dahil sa hindi maipaliwanag na yaman.

Sa 22 pahinang desisyon ng C.A 14th Division na ipinonente ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ibinasura ang apela ni Ampatuan na baliktarin ang naunang desisyon ng Office of the Ombudsman.

Sa nasabing desisyon ng Ombudsman, hindi naipaliwanag ni Zaldy Ampatuan ang kabuuang P70.67M na kanyang yaman at assets.


Nagsagawa pa ng lifestyle check ang anti-graft body kay Ampatuan mula ‎2000-2009 kung saan lumobo ang kanyang kita mula P6.99M noong 2000 patungong P19.29M nuong 2009 nagkaroon din ito ng P36.49M na halaga ng ari-arian at P17.2M na total liabilities

Nuong June 26, 2015, hinatulang guilty ng ombudsman si Ampatuan sa kasong serious dishonesty and grave misconduct at iniutos na sibakin ito sa pwesto, tanggalin ang kanyang retirement benefits at hindi na maaari pang bumalik o maglingkod sa gobyerno.

Nabatid nang hatulan si Ampatuan ng Ombudsman ay nakakulong na ito sa Camp Bagong Diwa, Taguig City dahil sa multiple counts of murder kaugnay ng madugong Maguindanao Massacre nuong November 23, 2009.

Facebook Comments