Pagkampi nina Sen. Bato at VP Sara sa isang deepfake video kontra impeachment, hindi dapat palampasin

Mariing binatikos ni Kabataan Representative Raoul Manuel ang pagiging okay kina Senator Ronald Bato Dela Rosa at Vice President Sara Duterte ng isang artificial intelligence (AI) deepfake video na nagpapakita ng mga kabataan na kontra sa impeachment.

Giit ni Manuel, mabuti pang mag-inhibit si Senator Bato bilang judge sa impeachment trial ni VP Sara dahil kung hindi ito marunong kumilatis ng pekeng video ay paano nito susuriin ang mga ebidensya sa isang kaso.

Diin pa ni Manuel, hindi maganda ang mensaheng ipinapakita ni Dela Rosa sa mga kabataan na okay lang manloko basta makuha ang gusto dahil ito ay mindset ng kawatan at kriminal.

Hindi naman nakagugulat para kay Manuel ang pagkampi ni Vice President Sara kay Senator Bato kaugnay sa pekeng video dahil sanay na umano ito na gawin ang lahat ng makakaya para lokohin ang publiko.

Inihalimbawa ni Manuel ang pag-imbento umano ni VP Duterte ng pekeng mga benepisaryo ng confidential funds ng kaniyang mga tanggapan.

Facebook Comments