Valenzuela LGU, mas pinaigting ang kampaniya laban sa mga street gangs

Mas lalong pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng mga street gang sa lungsod.

Ito’y sa ilalim ng City Ordinance No. 1262, Series of 2025 o ang “Anti-Gang Oridance.”

Hangad ng Valenzuela local government unit na maiwasan na masangkot ang mga menor-de-edad sa anumang uri ng krimen partikular ang riot, posibleng paggamit ng iligal na droga at rape.

Inatasan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga miyembro ng Action Officer for Task Force on Fraternities and Gang Intervention and Prevention (TAFFGIP) na pilitin matigil ang pagre-recruit sa mga kabataan na maging miyembro ng gang lalo na ngayong nagsimula na ang pasukan.

Bilang suporta sa Anti-Gang Ordinance, inihain ang Resolution No. 3467 ng konseho na nagdedeklara sa 13 gang bilang persona non grata.

Kinabibilangan ito ng:

• True Brown Style (TBS)
• Little Brown Style (LBS)
• Temple St. (TST)
• BB Hood
• NVC ISD Hood
• PMC Hood
• Nortenos Loccos
• Deathrow Hood Valenzuela Locos
• Varrio Latino
• TST – Rosario Hood
• TBS – Disiplina Village Lingunan
• Piru Hood
• Original Trouble Maker Gang (OTM)

Facebook Comments