Palalakasin ng Department of Transportation (DOTr) ang kampanya laban sa mga taxi driver na nananamantala at naniningil nang sobra-sobra sa mga pasahero.

Katuwang ng DOTr ang Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, kailangang aksyunan kaagad ang ganitong uri ng pag-abuso at mistulang pambubudol lalo’t pangunahing target ang mga balikbayan maging ang mga turista.

Nag-ugat ang kautusan matapos ang viral video kung saan siningil ng isang taxi driver ng mahigit sa isang libong piso ang isang pasahero mula NAIA Terminal 3 papuntang Terminal 2.

Nanawagan naman si Dizon sa publiko na huwag matakot na i-video o i-tag ang DOTr at LTO kung sakaling mabiktima ng overcharging sa mga pampublikong transportasyon.

Facebook Comments