Pagkauso ng “lugaw is essential”, nag-udyok sa Hungry Bananas para simulan ang negosyo

“Lugaw is essential.”

ito ang nausong salita noong Abril dahil sa isang insidente ng food delivery pero ito rin ang dahilan kung bakit itinuloy ni Emman Llego ang kanilang negosyong Hungry Bananas.

Sa interview ng Business as Usual, ikinwento ni Llego na naisipan nilang simulan ang negosyo dahil may kaibigan din siyang cook noon sa isang restaurant.


Ayon kay Llego, noong bago pa lamang ang COVID-19 pandemic ay nagbebenta sila ng mga damit pero mas pumatok ngayon ang Hungry Bananas dahil sa mga itinitinda nilang mga lugaw, pares, silog meals at iba pa.

Sa ngayon, libre ang kanilang delivery para sa mga nais umorder na taga-Sampaloc, Manila.

Facebook Comments