Paglaban sa epekto ng online gambling, mas mapapadali kung maglalabas si PBBM ng EO

Malaki ang paniniwala ni Senator JV Ejercito na mas mapapadali ang paglaban sa masamang epekto ng online gambling kung maglalabas ng executive order (EO) para rito si Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Ejercito, anumang sabihin o ilabas na kautusan ng presidente ay nagiging polisiya.

Dagdag pa ng senador, kapag naglabas ng EO ang pangulo ay tiyak na makapangyarihan ito na mahigpit na susundin ng lahat.

Habang wala pang batas ay nananawagan ang senador sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng National Telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology (DICT) na atasan ang mga entities sa ilalim nila, gaya ng e-wallet platforms na siguruhing hindi magkaka-access ang mga menor de edad sa online gambling platforms o websites.

Facebook Comments