Dinepensahan ng Department of Agriculture (DA) ang paglalaan ng malaking pondo para sa mga agricultural research nito.
Ito ay makaraang kwestiyunin ni Senador Cynthia Villar ang nasabing hakbang ng ahensya.
Ayon kay DA Secretary William Dar ang mga magsasaka rin naman ang pangunahing makikinabang sa ginagawa nilang pag-aaral.
Aniya magkakaroon ng dalawang bahagi ang pondo.
Una ay ang “strategic research” para sa mga priority areas kung saan gagawin ang pag-aaral at ang “technology commercialization” na layong matulungan ang mga magsasaka na mapalago ang kanilang kita.
Sa kabila ng pagkwestiyon, iginiit ni Dar na tuloy ang gagawin nilang pananaliksik.
Facebook Comments