Naitayo na ang mga poste na paglalagyan ng traffic lights sa bahagi ng intersection na katapat ng Municipal Plaza sa San Nicolas.
Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ang pag-usad ng proyekto na naglalayong mapabuti ang maayos na daloy ng trapiko sa sentro ng bayan.
Nakatakda pang tanggalin ang mga banderitas sa naturang bahagi ng kalye bago ikabit ang mga traffic lights upang matiyak na hindi ito nakakasagabal sa paningin ng mga motorista.
Inaasahang makukumpleto ang proyekto bago ang pista ng bayan bilang bahagi ng paghahanda sa mga nakalinyang aktibidad.
Bahagi rin ito ng patuloy na pagsulong sa kaligtasan at disiplina sa paggamit ng kalsada.
Inaasahang mas magiging ligtas, maayos, at disiplinado ang daloy ng trapiko sa pangunahing interseksyon ng bayan sa pagkakabit ng mga nasabing traffic lights. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










