Manila, Philippines – Hindi nangyari ang tuluyang paglaya ng Marawi City laban sa teroristang Maute ngayong araw.
Ito ang sinabi ni Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Carlito Galvez Jr., taliwas sa una nang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ngayong araw, Setyembre a-trenta lalaya ang Marawi City mula sa mga teroristang Maute group.
Ayon kay Galvez posibleng abutin pa ng sampu hanggang labing limang araw ang bakbakan sa Marawi.
Dikitan aniya ngayon ang labanan kung saan maliit na lugar na lang ang pinagtataguan ng Maute.
Facebook Comments