3 NPA, patay matapos makasagupa ang mga militar sa Oriental Mindoro.

44

Nasawi ang 3 myembro ng New People’s Army makaraang maka-engkwentro ang tropa ng mga militar sa Sitio Kalibang, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro kahapon.

Base sa ulat ni Police Regional Office 4B, mag a alas 4 ng hapon kahapon habang nagpapatrolya, ay nakasagupa nila ang 4th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mahigit kumulang 40 myembro ng NPA.


Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago tuluyang umatras ang mga rebelde papunta sa direksyon ng Sitio Mawan.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Narekober sa lugar ng engkwentro ang tatlong M16 rifle at isang 1 AK47.

Facebook Comments

From Advertisers