Pagpanaw ni PBA Legend Kenneth Duremdes sa Canada, fake news

Image via Facebook/Kenneth Duremdes

Hindi totoo namatay na ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Commissioner at dating PBA star na si Kenneth Duremdes.

Sa Facebook post ng MPBL, pinabulaanan nila ang kumakalat na balita tungkol kay Duremdes.

Unang lumabas sa website na CBTVN.com ang ulat kaugnay ng isang Pilipinong nasagasaan ng Honda Civic sa labas ng Toronto Mall. Namatay ang biktima kinabukasan dahil sa matinding pinsalang dinulot ng aksidente.


Ayon sa pa news site, kinumpirma ng Philippine Embassy sa Canada na si Duremdes ang nasawi.

Man knocked down by vehicle in Toronto identified as retired Filipino basketball player Kenneth Duremdes – Latest News

Man who was knocked down by a Honda Civic vehicle at the Toronto Mall last night sadly dies in hospital. He passed away this morning – after sustaining serious injuries following the incident yesterday. The man has been identified as Kenneth Duremdes, retired Filipino basketball player .

Pahayag ng dating star player ng Alaska, hindi pa ito nakakarating ng Toronto, Canada.

“It’s very irresponsible malicious fake news,” mensaheng ipinarating ni Duremdes sa MPBL Facebook page.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng kampo ni Duremde kung sino ang nagpakalat ng maling balita.

 

 

 

 

Facebook Comments