Walang basehan at mali ang mga pananaw na nagsasabing maaaring mag-isyu ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque walang kapangyarihan o hurisdiksyon ang ICC upang ipaaresto o ipatawag ang mga indibidwal na inirereklamo.
Giit ni Roque, preliminary investigation pa lamang ito na nangangahulugang kailangan pang kumalap ng mga karagdagang ebidensya ang prosecutor ng ICC.
Una nang sinabi ng pangulo na walang aasahang kooperasyon ang ICC mula sa ating panig, sapagkat 2019 pa ay tumiwalag na ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa ICC.
Ang nasabing pahayag ng kalihim ay bunsod ng plano ng ICC Office of the Prosecutor na magpalabas ng summon o mandamyento de aresto laban kay Pangulong Duterte dahil sa umano’y madugong drug war nito gayundin ang kaliwat kanang patayan sa Davao City na gawa di umano ng Davao Death Squad (DDS) noong 2011-2016, ng si Duterte pa ang namumuno sa Davao.