Tuesday, March 17, 2026

PAGPAPABABA SA MGA KASO NG SUICIDE, TINUTUTUKAN SA DAGUPAN CITY

Tinututukan ng pamahalaang lungsod ng Dagupan City ang pagpapababa sa mga kaso ng suicide sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga programa at adbokasiya para sa mental health.

Ito ay kasunod ng isinagawang pulong kasama ang City Health Office at iba pang katuwang na tanggapan upang pag-usapan ang mga hakbang na magpapalawak sa access ng mga residente sa serbisyong pangkalusugang pangkaisipan.

Layunin ng inisyatiba na mapigilan ang posibleng mga kaso ng suicide sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon ng iba’t ibang opisina at mga psychometrician na kasangkot sa nasabing programa.

Ayon sa pamahalaang lungsod, mahalaga ring mabawasan ang stigma sa usapin ng mental health at mapalawak ang kamalayan ng publiko upang malaman ng mga nangangailangan na may mga serbisyong handang tumulong sa kanila.

Binigyang-diin ng lungsod na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng komunidad, maiiwasan at mapipigilan ang mga kaso ng suicide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments