Kalibo, Aklan – Nilinaw ni SB Member Matt Aaron Guzman, Committee Chair on Transportation sa bayan ng Kalibo na dadaan pa sa proseso ang pagpapababa ng pamasahe sa mga tricycle sa bayan ng Kalibo. Ito ay matapos na dinagdagan na sa apat ang pwedeng maging pasahero ng mga tricycle mula sa dating dalawa. Ayon kay SB Member Guzman na hindi ganon kadali ang pagpapababa ng pamasahe dahil dadaan pa ito sa proseso. Nakausap na rin niya ang federation president ng mga transport sector sa Kalibo tungkol sa nasabing usapin. Plano ngayon na magsagawa ng public hearing galing sa transport group ng lahat ng mga barangay para mapakinggan ang kanilang hinaing. Posible rin ayon sa kanya na magkaroon ng bagong ordinansa o amendment sa existing na traffic ordinance sa pagpapababa ng pamasahe. Gusto rin niya na magkaroon ng mabilis na solusyon na makatulong sa parehong drivers at commuters pero kailangan pang dadaan sa proseso. Kung matandaan na isinailalim ng National IATF ang probinsya ng Aklan sa Alert Level 2 hanggang sa Nobyembre 15 kung saan niluwagan na ang ilang protocols katulad ng pagtaas sa 70% na setting capacity ng mga pampasaherong sasakyan.
Pagpapababa sa pamasahe sa bayan ng Kalibo, dadaan pa sa proseso
Facebook Comments