Pagpapabakuna ni Pangulong Duterte, makakatulong para mahikayat ang publiko na magpabakuna rin

32

Umaasa si Senator Sonny Angara na mas marami ang mahihikayat na magpabuka laban sa COVID-19.

Sinabi ito ni Angara matapos makita ng publiko ang pagpapaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm COVID-19 vaccine.


Ayon kay Angara, nakakatulong para mahikayat ang mga kababayan natin na magbakuna kapag nakikita nila ng personal o sa social media ang mga kilalang personalidad sa kanilang bayan o lungsod na nagpapabakuna.

70 million na Pinoy ang dapat mabakunahan para makamit ng bansa ang tinatawag na herd immunity laban sa COVID-19.

Facebook Comments