PAGPAPABUTI NG TEMPORARY HOLDING AREA PARA SA MGA AKLANON RETURNING OVERSEAS FILIPINO PINAPAGAWA NG PHO-AKLAN

Kalibo, Aklan – Pinapagawa ngayon ng Provincial Health Office PHO-Aklan at Provincial Government ng lalawigan ang pagpapabuti sa temporary holding area ng mga Aklanon Returning Overseas Filipino ROF. Sa temporary holding area ito gagawin ang profiling at assessment sa lahat ng mag-uuwiang ROF. Ayon kay Dr. Leslie Anne Luces, ng PHO-Aklan ang nasabing temporary holding area ay siya munang tutuluyan ng mga magdadatingang ROF bago ang mga ito ihahatid sa ligtas covid centers ng kani-kanilang munisipalidad. Meron din aniya itong individual temporary space na magsisilbing waiting area habang hinihintay ng mga ROF ang paglipat sa kanila.

Facebook Comments