Pinangunahan naman ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang naturang programa upang “magbigay gabay sa produksyon lalo na ang tamang pangangalaga, makabagong teknolohiya na maaaring gamitin sa produksyon, at kung paano mapaganda ang negosyo na mani.”
Sa impormasyon mula sa Cagayan Provincial Information Office, sinabi ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa, na may malakas na demand ng produktong mani sa lokalidad kung kaya’t “kailangan itong ihanda para sa high value at makasali na rin sa import products ng China at export sa ibang bansa.”
Mayroong 11 na barangay sa Enrile ang nagtatanim ng mani.
Ang naturang programa ay ginagawa rin upang maging organisado ang mga magsasaka sa paghahanda sa pakikipag-kontrata nito sa Growers Philippines.
Ayon pa kay Mabasa, layon ng LGU Enrile na maging economic enterprise o consolidator para mapanatili nila ang kanilang identity na Peanut Capital of the Philippines.