TULAK NG DROGA, TIMBOG SA OPERASYON NG MGA PULIS

16
Arestado ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa isinagawang operasyon ng PNP at PDEA sa Baler, Aurora kahapon, Agosto 3, 2022.

Ang lalaking suspek ay isang 38 taong gulang, laborer at residente ng Brgy. Buhangin, Baler, Aurora.

Siya ay naaktuhang nagbebenta ng isang plastic sachet ng illegal na droga sa isang ahente ng operatiba na umaktong poseur buyer na nagresulta ng pagkadakip sa kanya.

Nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang tatlong plastic sachet ng illegal na droga at ang 500 pesos na buy bust money.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 habang nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments