Kinatigan sa plenaryo ng Kamara ang House Resolution 2416 na nagpapalawak sa foreign scholarship at training program para sa mga Pilipinong mag-aaral at professionals sa abroad.
Sa ilalim ng resolusyon ay hinihimok ang pamahalaan na magkaroon ng funding strategy para sa foreign scholarship at training programs ng mga Filipino students at professionals bilang economic investment na layong makapag-produce ng mga ekspertong kaya makipagsabayan sa buong mundo.
Sa ganitong paraan ay ma-i-aangat ang ekonomiya at maiakyat ang Pilipinas bilang upper-middle-income-country.
Ang gobyerno ay lilikha rin ng return service structure kung saan ang mga scholars ay kailangang bumalik ng bansa matapos ang kanilang pagaaral upang mapakinabangan ng Pilipinas ang kanilang mga natutunan.
Para naman makalikha ng oportunidad sa mga Pilipino na makapagaral at makapagsanay sa abroad ay kinakailangan ng malaking pondo na maaaring hugutin sa dagdag na budgetary allocation o sa mga donasyon mula sa mga pribadong sektor.