Pagpaparami pa ng Telco Company sa Pilipinas, solusyon sa hirap na dinaranas ng mag-aaral sa online classes

Naglatag ng solusyon ang Parent Teacher Association Federation o PTA Federation na makakatulong sa hirap na daranasin ng mga mag-aaral kasabay ng pagbubukas ngayong araw ng School Year 2021-2022.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi Jasper Basmayor, presidente ng PTA Federation na kadalasang problema ng mga mag-aaral ang mga electronic gadget at internet.

Dahil dito, iminungkahi niya na sana ay magkaroon ng mas maraming telco company sa bansa na tutulong upang mapabilis at dumami ang mga kagamitan para sa online classes.


Batay sa huling datos ng Department of Health o DepEd, umabot na sa 22 milyong mga mag-aaral ang nakapag-enroll kabilang na ang mga nasa pampubliko at pribadong paaralan.

Facebook Comments