Pagpapasara sa ABS-CBN Corporation, walang direct impact sa employment ng mga empleyado ng network

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang issuance ng cease and desist order laban sa ABS-CBN Network ay walang direktang impact sa trabaho ng mga empleyado ng network.

Ayon kay Bello, ito ay dahil na marami pang remedyong ligal na maaaring gawin ang network.

Nilinaw din ni Bello na entitled pa rin ang mga empleyado ng TV network sa lahat ng labor standards.


Kumpiyansa rin ang kalihim na mareresolba pa rin ang kaso ng ABS-CBN base sa mga umiiral na batas gayundin ng rules and regulations.

Nangangahulugan aniya ito na protektado pa rin ang karapatan ng mga kawani ng nasabing media entity.

Facebook Comments