Inupakan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-disable ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) website.
Ayon kay Director Rolly Francia ng Department of Labor and Employment – Information and Publication Service (DOLE-IPS), naapektuhan ng husto ang serbisyo ng gobyerno sa Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil pagkakatigil ng operasyon ng POEA website.
Aniya, malaking tulong ang nasabing website sa mabilis na pagproseso ng OFWs sa kanilang mga dokumento tulad ng Overseas Employment Certificate (OEC).
Sa ngayon, patuloy na nakakatanggap ng reklamo ang DOLE mula sa OFWs dahil sa pag-disable ng DMW sa POEA website.
Facebook Comments