Pagpapatupad ng Telecommuting, iginiit ng isang Senador para proteksyunan ang mga empleyado laban sa nCoV

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na hikayatin ang mga employers na ipatupad ang telecommuting.

Para ito sa mga empleyado na ang uri ng trabaho ay pwedeng gawin kahit hindi na magpunta sa kanilang mga workplace o opisina.

Para kay Villanueva, ang telecommuting ay mabisang paraan para maproteksyunan ang mga mangagawa laban sa Novel Coronavirus (nCoV) at iba pang nakakahawang sakit.


Ipinaliwanag ni Villanueva, na kung hindi na babiyahe patungong opisina ay hindi na kalailanganin ng mga mangagawa na makihalubilo sa mga maraming tao sa kanilang pagbiyahe kung saan pwede silang mahawa ng sakit.

Katwiran pa ni Villanueva, ang telecommuting din ay alinsunod sa Occupational Health and Safety Law na nag-aatas sa mga employer na magpatupad ng mga hakbang o patakaran para pangalagaan ang buhay at kalusugan ng kanilang mga manggagawa.

Facebook Comments