Pagpasok ng BANGSAMORO GOVERNMENT pinaghahandaan na !

23

Handa na ang Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa ORG Compound sa Cotabato City na magiging venue sa gagawing Ceremonial Handover sa pagitan ng mga outgoing ARMM Officials at incoming officials ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Gagawin ang maituturing na makasaysayang aktibidad alas 9 ng umaga ng February 26.
Inaasahang magiging bisita si Peace Secretary Carlito Galvez habang inaasahang pangungunahan ang turnover nina ARMM Governor Mujiv Hataman at BARMM Interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim.
Matatandaang noong nakaraang araw ng byernes ay nanumpa na sa harap mismo ni Presidente Rody Duterte ang mga itinalagang opisyales ng BTA.
Google Pic

Facebook Comments