PAGPASOK NG PUGO AT PATO SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, PANSAMANTALANG IPINAGBABAWAL DAHIL SA BANTA NG BIRD FLU

MALASIQUI, PANGASINAN – Pansamantalang ipinagbabawal muna sa lalawigan ng Pangasinan ang pagpasok ng itik, pato, at pugo para mapigilan ang pagpasok ng avian influenza o bird flu na naunang nadetect sa Bulacan at Pampanga, ito ay batay sa inilabas na Executive Order No. 0014-2022 at pirmado ni Governor Amado I. Espino III, mula February 25 hanggang March 31, 2022.
Sa nasabing panuntunan inilatag na rin upang magbabantay sa mga borders sa lalawigan partikular sa bayan ng Mangatarem, Bayambang, Infanta, Rosales, lahat ng exit ng TPLEX, at sa bayan ng San Fabian, upang tignan lahat ng mga sasakyan na magdadala ng mga itik, pato, pugo at iba pang mga produkto gaya na lamang ng balot sa lalawigan lalo na kung ito ay mula sa probinsya na nakapagtala na ng kaso ng bird flu.
Nakahanda at napagsabihan na rin umano ang mga quarantine guards na magbabantay at magmomonitor nito.

Bukod pa rito, hindi naman sa kabilang sa mga ipagbabawal na makapasok ang mga manok, ngunit sa kaso naman aniya ng mga panabong, kinakailangan na ang mga magdadala nito sa probinsya ay may certification na ito ay galing sa avian influenza free areas.
Bago ito ay pinulong ni Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III sina Pangasinan Police Provincial Director Richmond R. Tadina, Provincial Administrator Nimrod S. Camba, Provincial Legal Officer Geraldine Baniqued, PDRRMO Rhodyn Luchinvar Oro, PIO Orpheus Velasco, at acting Provincial Veterinarian Jovito Tabarejos, para sa agarang pagpapatupad ng proactive measures upang maiwasan ang pagpasok ng Bird Flu sa Pangasinan. | ifmnews
Facebook Comments