Pagpatay sa Traffic Enforcer sa Brgy. Trinidad. Surigao City posibleng may kinalaman sa trabaho ayon sa PNP

Pagpatay sa Traffic Enforcer na si Jeffrey Murillo, 40 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Trinidad. Surigao City posibleng may kinalaman sa trabaho. Ito ang binigyangdiin ng Chief of Police ng Surigao City Supt. Jay Baybayan. Ayon sa kanya, ang lahat ng mga hinuli at insidente sa pagpa-blotter ni Murillo ang kanilang tinitipon ang records at doon magsisimula ang imbestigasyon. Lumalabas na Isa sa hinuli noon at pinakulong ni Murillo ay indirekta na nagbanta sa kanyang buhay. Inamin din ni Supt. Baybayan na hindi pa humingi ng tulong sa kapulisan ang dalawang kasamahan ni Murillo na sinasabing isusunod ng mga suspek sa pagpatay.

Facebook Comments