PAGRERECRUIT NG ELECTORAL BOARDS NAGING MALAKING HAMON AYON SA COMELEC PANGASINAN

Malaking hamon ang pag-rerecruit ng mga magsisilbing electoral boards para sa papalapit na halalan ngayong taon ayon sa Commission on Elections Pangasinan.

Sa isang panayam, sinabi ni Provincial Election Supervisor, Attorney Eric Oganiza, nahirapan ang kanilang kagawaran sa pagrerecruit ng mga EBs dahil ilan sa mga ito ay natatakot na mag-serve.

Ayon naman sa Police Regional Office 1, kung sakali mang makatanggap nang pagbabanta ang mga ito handa silang magbigay ng security assistance sa panahon ng Halalan bilang pagtitiyak sa kanilang kaligtasan.

Isa rin sa mga nakikitang problema ng COMELEC ay kung mayroong magpositibo sa mga EBs habang nasa training at panahon ng halalan.

Aniya, papaano pupunan ang ilalaang gastos sa papalit na EBs kung sakaling ilan sa mga ito ang mga nagpositibo.

Samantala, nakiusap naman ang kagawaran sa mga supporters at kandidato na sundin ang mga panuntunang inilabas ng komisyon sa panahon ng pangangampanya. | ifmnews

Facebook Comments