Pagsasaayos ng tulay ng PNR na napinsala ng Bagyong Uwan, aabutin ng isang buwan —DOTR

Kinumpirma ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na posibleng abutin ng isang buwan ang pagkukumpuni sa nasirang tulay ng Philippine National Railways (PNR) sa Guinobatan, Albay.

Ayon kay Lopez, nagkaroon kasi ng disalignment sa baseline ng riles matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.

Sinabi ni Lopez na ang flood control project malapit sa PNR line sa Guinobatan ang isa rin sa mga naging sanhi ng pinsala ng tulay.

Bunga ng naturang pinsala, ang operasyon ng PNR sa pagitan ng Naga at Legazpi ay pansamantalang suspendido.

Tinatayang 400 na pasahero kada araw ang naapektuhan ng naturang pinsala.

Facebook Comments