Isasagawa na ang pagpapataas ng kalsada at pagsasaayos ng drainage system sa Galvan St., Dagupan City matapos itong bisitahin ni Mayor Belen T. Fernandez ngayong araw, Nobyembre 13.
Ayon kay Fernandez, kailangang ituloy ang naturang proyekto upang mapabuti ang daloy ng trapiko at mabigyan ng ginhawa ang mga motorista at pampasaherong sasakyan.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng pagpapaganda ng mga pangunahing lansangan sa lungsod at magkakaugnay sa Perez Boulevard. Kasalukuyan ding isinasagawa ang pagkukumpuni ng kalsada sa Gomez at Rivera Street.
Sa pamamagitan nito, aasahang mas gagaan ang daloy ng trapiko sa lungsod, partikular sa mga pangunahing kakalsadahan.
Facebook Comments









