Cauayan City, Isabela- Pinag-usapan kaninang umaga ang ilan sa mga problemang pangkalikasan na nararanasan ng lalawigan ng Isabela sa naging ugnayan ng programang Sentro Serbisyo ng DWKD RMN Cauayan kay Ginoong Nelson Honrado, head of Isabela Provincial Environmental Manangement Office.
Ayon kay Ginoong Honrado, ang Provincial Environmental Management Bureua o PEMB ay naatasan bilang Secretariat ng National Solid Waste Management Commission at mandato umano sa kanila na bibigyan nila ng pansin ang lahat ng mga problema na may kaugnayan sa Environmental And Protection, Managemental Compliance, may kaugnayan sa Pollution Control Laws gaya ng Clean Air Act, Philippine Water Act, Toxic Chemicals, EnvironmentaL Educational and Awareness Act, Philippine Climate Change and Global Warming Law.
Subalit Aniya, kung ang problema ay hinggil sa amoy o ingay sa kapaligiran ay idulog muna ito sa barangay o pamahalaang local upang mabigyan agad ng aksyon dahil sila umano ang dapat na mangunang magresolba nito at mandato rin umano sa bawat LGU ng pamahalaang local na iimplimenta ang Solid Waste Management.
May kapangyarihan din umano ang bawat pamahalaang local na ipakansela ang business permit ng isang tao kung ito ay hindi sumusunod sa batas at kung nakakaapekto na sa kalikasan ang negosyo nito.
Bukod dito ay maganda pa rin naman umano ang klasipikasyon o kalagayan ng hangin sa lalawigan ng Isabela kaya’t kanilang hinihikayat ang bawat isa na makibahagi sa wastong pangangalaga sa mundo at sama-samang umaksyon para sa kalikasan.