PAGSUSULONG SA KAHANDAAN LABAN SA SAKUNA, PINAGTITIBAY SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Pinagtitibay ang kahandaan laban sa mga sakuna at kalamidad para sa mga residente sa bayan ng San Nicolas sa naganap na Water Safety and Survival Training of Trainers katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng lokal na pamahalaan dito.
Isinailalim sa isang linggong training ang nasa dalawamput lima (25) na rescue volunteers na mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng mga kasanayan ukol sa Water Safety at Water Survival, First Aid, at Basic Life Support.
Itinuro rin ang Ropemanship o pagiging bihasa sa paggamit ng mga taling pangkaligtasan, at higit sa lahat sa mga taktika ng pagre-rescue o pagsagip sa mga nalulunod.

Naipamahagi sa mga nagtapos ng pagsasanay ang mga rescue uniform uniform at mga kaukulang gamit sa pagre-rescue upang makamit ang mithiing makapaghanda sa anumang sakuna o kalamidad na maaaring dumating sa mga susunod na panahon. |ifmnews
Facebook Comments