PAGTAAS NG PAMASAHE SA TRICYCLE, HILING NG ILANG DRIVER AT OPERATOR SA INFANTA

Humihiling ng pagtaas sa pamasahe ang ilang tricycle driver at operator sa bayan ng Infanta, Pangasinan, dahilan upang magsagawa ang Sangguniang Bayan ng isang public hearing kaugnay ng panukalang pagtaas ng tricycle fare rates.

Batay sa abiso ng Sangguniang Bayan ng Infanta, isasagawa ang public hearing sa Biyernes, Enero 23, 2026, kung saan inaasahang dadalo ang mga tricycle driver at operator, pasahero, at iba pang apektadong sektor bago magpasiya sa panukalang pagtataas ng tricycle fare rates.

Nag-ugat ang panukala sa kahilingan ng Infanta Downtown United Tricycle Operators and Drivers Association (IDUTODA), na nagsusulong ng pagtaas ng pamasahe bunsod umano ng pagtaas ng gastusin sa operasyon.

Kaugnay nito, inanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang publiko na makibahagi sa pagdinig upang maipahayag ang kanilang saloobin at pananaw hinggil sa posibleng pagbabago sa pasahe ng tricycle sa bayan.

Facebook Comments