Pagtalaga kay Mina Chang bilang susunod na US Ambassador ng Pilipinas, fake news

130

Nilinaw ng US Embassy sa Manila na hindi papalitan ni Mina Chang si Incumbent Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Sa isang statement, pinabulaanan ng embahada ang kumakalat na balita.


September 2018 nang inanunsyo ni US President Donald Trump na i-nominate si Chang bilang assistant administrator ng U.S. Agency for International Development for the Bureau of Asia.

Ang nomination daw ni Chang sa USAID position ay na-refer na sa Foreign Relations Committee ng US Senate noon pang Enero pero tumanggi naman ang White House na idetalye ito.

Sa ngayon, si Chang ay nagsisilbi bilang deputy assistant secretary sa Bureau of Conflict and Stabilization Operations ng US Department of State.

Facebook Comments

From Advertisers