Driver ng Buena Sher bus na sangkot sa aksidente sa NLEX, kinasuhan na

Kinasuhan na ang driver ng Buena Sher Bus na sangkot sa aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela noong June 29.

Ayon kay Valenzuela City Police Chief Carlito Gaces – kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damage to properties ang isinampa laban kay Victor Delos Reyes.

Kaagad siyang inilipat sa kustodiya ng Valenzuela City Police Station matapos gumaling mula sa mga tinamong sugat.


Matatandaang inamin ni Delos Reyes na nawalan siya ng kontrol sa bus kaya sila nadisgrasya.

Walo sa kanyang mga pasahero ang nasawi sa aksidente habang 25 ang sugatan.

Facebook Comments