Pagtanggap ng dalaw sa ospital para kay Eddie Garcia, pinalilimitahan

Pinalilimitahan ng mga doktor ang pamilya ni Eddie Garcia sa pagtanggap ng kanilang mga bisita.

Hanggang ngayon kasi ay nasa kritikal na kundisyon pa rin ang kalagayan ng award-winning actor.

Ayon sa doktor ni Eddie na si Dr. Regina Macalintal-Canlas ng Makati Medical Center, nakadepende na lamang sa ventilator ang paghinga ng aktor.


Kahapon, ang ika-sampung araw ng beteranong aktor sa ospital dahil sa neck fracture matapos maaksidente sa set ng upcoming primetime series na “Rosang Agimat” ng isang TV network.

Patuloy pa ring nananalagin at umaasa ang pamilya Garcia sa mabilis na paggaling ng aktor.

Facebook Comments