MANILA – Sa pagsisimula ng ikalawang pagdinig ng kamara sa drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP)…Ipinagtanggol ni House Committee on Justice Chairman Rep. Reynaldo Umali ang pagpayag nila na magtanong si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa mga testigong isinalang sa kanilang hearing.Ayon kay Umali, si Aguirre ay resource person din na kagaya ng ibang humarap sa pagdinig.Aniya, walang nalabag na rules ang ginawa ng DOJ chief na direct examination sa mga testigong bilanggo.Una nang ipinaliwanag sa RMN ni Kabayan Party-List Rep. Atty. Harry Roque na wala siyang nakikitang paglabag sa pagtatanong ni Aguirre.Matatandaang ginawa na rin ito dati ni Sen. Leila De Lima, noong ito ay kalihim pa ng DOJ, para sa kaso ng pork barrel fund scam.Si de Lima ang nagtanong sa testigong si Benhur Luy sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Pagtatanong Ni Aguirre Sa Mga Testigo, Ipinagtanggol
Facebook Comments