Pagkatapos ng profiling na naisagawa ng CSWD sa Barangay Pantal ay naisakatuparan ang pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na pagsunog hatid ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang DSWD Region 1 at City Social Welfare and Development Office at Pantal Barangay Council.
Naipamahagi ang food packs, family and sleeping kit, hygiene kit at kitchen kit tulad na lamang ng mga kaldero, kawali, pinggan, baso, mga tinidor at kutsara, at mga laminated sack/tolda.
Naibigay na rin ang tulong pinansyal na bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng DSWD na nagkakahalaga ng sampung libong piso at kalakip din nito ang karagdagang sampung libo pa na iniabot ng alkalde ng lungsod.
Samantala, magpapatuloy pa rin ang inihahandang mga tulong at hakbangin na naglalayong maiabot sa mga pamilyang lubos naapektuhan at mga nawalan ng kabahayan bunsod ng nangyaring pagsunog. |ifmnews
Facebook Comments